Bangungot o nightmare... ang alam ko, eto yung isang nakakatakot na panaginip... yung magigising kang pinagpapawisan ka o kinakabahan... na para kang hinahabol sa kawalan ng mga multo o mga halimaw... na parang may balak sumaksak sa iyo o pumatay o bumaril... hindi pala...
madalas pala akong bangungutin kaso hindi ko alam na bangungot yung nangyayari... hindi ko alam na yung mga nangyayari sa akin ay bangungot na palang matatawag... hanggang sa isang araw...
tinext ko yung high school teacher ko... sinabi ko na... "kaninang umaga, nanlaban ako sa bigat... alam ko tulog ako pero alam ko gising ako... aware ako sa mga nangyayari sa paligid ko... alam kong umaga na nun... i recited the apostle's creed three times, dun sa first part, sa i believe na part, para akong tinotorture... yet, 3 times kong inulit yung prayer... dko maintindihan... ang weird..."
tas naalala ko yung mga nangyari... dumating daw si dracula... kasi dati, gusto kong magkaroon ng friend na dracula or ghost... tas un nga... nung umaga na un, nakadapa ako sa kama ko, tulog... dumating si dracula pero dko siya nakita... ewan ko... tas sabi ko, ayoko nang makipagkaibigan sa ganung entity... then i recited the creed... dun ko na feel ung torture... mas mabigat... hindi ako makawala...
naalala ko din yung nangyari sa room ko once... para akong elisi na umiikot sa kama... ang weird... pero pag gising ko, nakaayos pa ako... tas naalala ko din yung sa kalai... basta, mabigat na pwersa ang iniiwasan ko... gusto kong makawala pero hindi ko makaya kasi ambigat talaga...
nagreply si teacher aies... sabi nya, yun nga... bangungot nga daw yun... madalas nga din daw mangyari sa kanya yung ganun... pero hindi nya sinubukang makawala... basta magdasal lang daw ng our father, hail mary at ng glory be... pero bago ko daw matapos yung prayer, e tulog na ulet ako...
kaya pala... soul ko yung gustong makawala... yung bigat na nafeefeel ko e ung attachment ng soul ko sa body ko... si t. aies daw, hindi nya sinubukang makawala kasi natatakot siyang makita yung sarili nya na nakahiga sa kama... pero aware siya na kaluluwa nalang siya...
exciting yun... pero nakakatakot... pano kung minsan, hindi na ako makabalik? pano pag tumayo ako tas nagliwaliw ako... pero hindi ko na nahanap ang daan pabalik?
hmm... exciting!
Currently feeling: excited